Salba, Bida! Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan. Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan, walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-hadlang. ...
Cupido Store “Cupido, kapeng barako ka ba?” “Hmm, bakit?” “Dahil hindi kumpleto ang umaga ko kung wala ka!” “Mag-aral ka ng mabuti Miss,” dinig kong tugon ng lalaking walang pantaas na suot pagkatapos ibigay ang binili ng isang dalaga. Bigyan ng halaga ang feelings sa tindahan ni Kupido. Ngunit paano ko bibigyan ng halaga ang feelings kung hindi ko naman maramdaman sa ibang tao? Nagkagusto ka na ba? Na-in love ka na ba? O hindi kaya’y, nagmahal ka na ba o may minahal ka na ba? Pamilyar ba sa iyo ang linyang ito? Batid kong narinig mo na ito sa isang pelikula ni Kathryn Bernardo? Ngunit anong feeling? Masaya’t nakakakilig ba o sabi nila’y bumibilis daw ang tibok ng iyong puso? C...