Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na agham at siyensya

𝓐𝓷𝓰 π“Ÿπ“ͺ𝓫𝓸𝓻𝓲𝓽𝓸 π“šπ“Έπ“·π“° 𝓖𝓾𝓻𝓸

  “Seksyong Sampaguita” Nagpulasan ang buong seksyon ng sampaguita ng marinig ang malakas na batingaw. Sa koridor pa lamang ay maririnig ang ingay ng mga sapatos,   ang iilan ay pumapanhik at panay ang pagdungaw sa bintana. Ang mga kalalakihan ay nagpapapresko’t isinasaayos ang kwelyo sa kanilang uniporme. Habang ang mga kababaihan ay abala sa pag-susuklay at pagpusod ng mga buhok. Makailang beses na tinitingnan ang mga mukha sa salamin. Isang kamag-aral ko ang nagmamadaling kuhain ang kanyang libro, siya kasi ang naasahan na mag-uulat ng aming magiging paksa. Kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay, tiyak kong kinakabahan siya. Nang bigla ay naramdaman ko ang katahimikan, walang ingay na kumubli sa loob ng silid. Tuwid ang paningin ng bawat isa sa taong nagpapakilala ng kanyang propesyon. Sabay-sabay na tumayo’t bumati para sa itinuturing na Ama ng seksyong Sampaguita. Sa paghakbang niya’y naglikot ang kanyang matang kilatisin ang bawat postura at kolorete sa mukha. Kinakaila