Lumaktaw sa pangunahing content

Ang Paborito Kong Guro

 




  “Seksyong Sampaguita”

Nagpulasan ang buong seksyon ng sampaguita ng marinig ang malakas na batingaw. Sa koridor pa lamang ay maririnig ang ingay ng mga sapatos,  ang iilan ay pumapanhik at panay ang pagdungaw sa bintana. Ang mga kalalakihan ay nagpapapresko’t isinasaayos ang kwelyo sa kanilang uniporme. Habang ang mga kababaihan ay abala sa pag-susuklay at pagpusod ng mga buhok. Makailang beses na tinitingnan ang mga mukha sa salamin.

Isang kamag-aral ko ang nagmamadaling kuhain ang kanyang libro, siya kasi ang naasahan na mag-uulat ng aming magiging paksa. Kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay, tiyak kong kinakabahan siya. Nang bigla ay naramdaman ko ang katahimikan, walang ingay na kumubli sa loob ng silid. Tuwid ang paningin ng bawat isa sa taong nagpapakilala ng kanyang propesyon. Sabay-sabay na tumayo’t bumati para sa itinuturing na Ama ng seksyong Sampaguita. Sa paghakbang niya’y naglikot ang kanyang matang kilatisin ang bawat postura at kolorete sa mukha. Kinakailangang presentable at maayos ang tindig maging sa pag-upo.

Ang isang pirasong chalk sa kanyang kamay ay pinaiikot ng kanyang daliri. Ito lamang ang kanyang gamit sa pagtuturo at nakasanayan na naming makita ito. Walang mababakas na reaksyon ng makita kami. Walang pagbati at walang pagkurba ng mga ngiti sa kanyang labi. Nakuntento lamang kami ng aking kamag-aral sa presensya ng aming guro.

Sa kanyang purong pagsasalita ng Ingles ay lahat namamangha.  Ngunit lahat iyon ay napapawi kapag tahasan na naming narinig ang aming pangalan. Laging handa at may baon na tanong ang aming guro, gusto niya ang pagbabahagi ng kaalaman ng kanyang mga estudyante, sinusukat maging ang kalidad at kritikal ng impormasyong binabanggit. Ang index card ang pinakamahalagang bagay na mayroon kami dahil nakatala dito ang pagmamarka, iskor ng mga gawain at pagsusulit.  Ang pirma niya ang kasiyahan namin, ito ang bumubuo ng identidad na kami ay seksyong sampaguita. Madalas noon tawagin ang aking pangalan ng aming guro. Lagi ako nababahala sa oras na siya’y nagtatanong. Naririnig ko maging paghuramentado ng aking puso. Ang katawan ko’y parang naestatwa at ang isip ay naglalaro lamang sa maaari niyang itanong. Ngunit nang matapos ay siyang ginhawang kapalit. Walang halong biro at hindi nagtatangka ng pananakot, talagang angat ang estratehiya at istilo ng kanyang pagtuturo.

Walang espesyal na deskripsyon kung ilarawan ang Ama ng Sampaguita. Ngunit ang tanging ikinatatangi niya ay ang galling at husay sa paglalahad ng paksa. Hindi siya kailanman lumiliban sa klase, saksi ako at ang aking mga kamag-aral sa kanyang  dedikasyon sa pagtuturo. Ang kanyang mga salita ay napupuno ng aral ukol sa agham, pambihira sa angking husay ang memorya niya sa pagpapaliwanag ng siyensya. Sa kabila ng kanyang awtoridad sa pagtuturo ay ang paninindigan niya sa kanyang mga prinsipyo’t turan. Sa pagkuyom ng kanyang kamao ay akala mo’y naghahamon ng argumento. Sa bawat senyas ng kanyang kamay ay hindi hamak na sumisigaw ito ng katayuan at propesyon.

Sa hardin ng mga bulaklak na walang kupas ang halimuyak at pamumukadkad ay katangi-tangi ang dulot nitong bango at dalisay. Nagkakaiba man sa anyo, hugis tekstura at kulay ay hindi maitatanggi ang dulot na ganda sa paligid. Isang anghel na tagapag-alaga ang nangingiting dinidiligan ito. Siya ang aking paboritong guro, siya ang Ama ng seksyong sampaguita, ngayo’y itinuturing na Amang Anghel ng seksyong Sampaguita.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

𝓝𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓚𝓪𝓻𝓪𝓷𝓪𝓼𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝔂𝓪

  Salba, Bida!         Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga  pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan. Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan, walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-hadlang. ...

𝒯𝒶𝒶𝓁𝒶𝓇𝒶𝓌𝒶𝓃

  E N T R I  01 Ika-1 ng Mayo, 2021/Sabado                                                                       Magandang umaga!         Maaga akong nagising pagkatapos ay ginawa ang pang-araw araw na ritwal sa umaga. Sa araw na ito ay patuloy sinusubok ang aking isip at kakayahan sa mga bagay. Nariyan ang mga ingay at distraksyon sa paligid habang nagsasagot at nagsasagawa ng ilang aktibidad. Mailap kong binibigyan pansin ito ngunit mayroong pagkakataong hinahamak ako ng aking mga pansariling balakid sa buhay. Gayunpaman ay natutugunan ko naman  ito. Bago pa man tuluyang sakupin ng dilim ang paligid ay sinigurado kong naisumite ang bawat pagsusulit. Ilang sandali lamang ang aking pahinga sapagkat kailangan muli magpatuloy. Hindi dapat natin kalimutan na mahalaga ang hindi...

𝓐𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓫𝓸𝓻𝓲𝓽𝓸 𝓚𝓸𝓷𝓰 𝓖𝓾𝓻𝓸

  “Seksyong Sampaguita” Nagpulasan ang buong seksyon ng sampaguita ng marinig ang malakas na batingaw. Sa koridor pa lamang ay maririnig ang ingay ng mga sapatos,   ang iilan ay pumapanhik at panay ang pagdungaw sa bintana. Ang mga kalalakihan ay nagpapapresko’t isinasaayos ang kwelyo sa kanilang uniporme. Habang ang mga kababaihan ay abala sa pag-susuklay at pagpusod ng mga buhok. Makailang beses na tinitingnan ang mga mukha sa salamin. Isang kamag-aral ko ang nagmamadaling kuhain ang kanyang libro, siya kasi ang naasahan na mag-uulat ng aming magiging paksa. Kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay, tiyak kong kinakabahan siya. Nang bigla ay naramdaman ko ang katahimikan, walang ingay na kumubli sa loob ng silid. Tuwid ang paningin ng bawat isa sa taong nagpapakilala ng kanyang propesyon. Sabay-sabay na tumayo’t bumati para sa itinuturing na Ama ng seksyong Sampaguita. Sa paghakbang niya’y naglikot ang kanyang matang kilatisin ang bawat postura at kolorete sa mukha. ...