π’πͺπ»π²π΅π²π·π° ππ²π΄π±πͺπ·π° π£πͺπ΅πͺπΆπ«πΎπ±πͺπ
Kabanata 20 Sa simula, sa blangkong pahina kung saan walang huhusga. Dalisay ang panlabas na anyo kung kaya’t kumpulan ito ng pagkilala’t pagpupuri. Marubdob ang pagmamahal niya sa aklat. Maingat niyang pinipili ang mga karakter na gaganap sa istorya. Ang pagsusulat ang kanyang kalakasan. Malawak ang imahinasyon niyang bumuo ng sariling mundo. Ito’y paspasan lamang ng mahika at salamangka. Ito ay salamin nang pantasya’t hiwaga. Ang istoryang hindi nagsimula sa wansapantaym ngunit malayang ikinulong ang sarili sa mga kathang-isip. Narinig mo na ba ang kuwento sa kabanata 20? Mensaheng sipi sa Prologo, “ ikinalunod ko ang buhay, ikanalulugod kong mabuhay .” Sa unang entri, sa panimulang bilang na pahina ay ikinagalak kong basahin ang pagluwal ng isang anghel. Kupas na ang litrato ngunit tiyak na ito’y larawan ng sanggol na mahimbing na natutulog. Walang paglalagyan nang galak sa dibdib ng ipakilala siya bilang pangunahing karakter sa istorya....