Pasyon de Pandemya: Istatus ng Panitikan sa Diskursong Birtwal Sa pagdating ng ika-20 siglo ay tuluyang napuspos at hinamon nang kasalukuyang panahon ang panitikan. Ang kontemporaryong pagsasatitik at pagtupad sa lente’t porma ng panitikan ay nagbigay ng kaisipan at ideya upang tawirin nito ang mga dagok na umiiral sa pandemya. Maraming saksi ngunit iilan lamang ang naging bukas ang isip sumunod sa mga palisi at pamantayang turan ng mga pangunahing sektor at ahensya. Ito ang masalimuot na pagkakapantay-pantay, eksklusyong lingap nang kapatiran marahil batid ng nakakarami ngunit natutuop paniwalaan. Nabahiran ng hugas-kamay, suhestyong pinaniningkitan ng mga mapaglinlang at mapagsamantala sa kapwa. Kasalukuyang humaharap ang panitikan sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa pagsasalin, napupuna maging ang kontruksiyon ng identidad sa pagitan ng wikang Ingles at Tagalog. Naglipana rin ang maling impormasyon at diskriminasyong...