Lumaktaw sa pangunahing content

Natatanging Karanasan sa Pandemya


 

Salba, Bida!

                  Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga  pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan. Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan, walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-hadlang.

              Ngunit sa rurok, sa rimarim nang higlikas ako’y palsipikadong gumising at bumangon. Walang nais bumati, walang tumugon at maging pagdaop ng mga palad ay pinahindian.  Hindi ko muling narinig ang kaskaserong drayber na may hirit pang tumawag ng mga ruta, ang lansangang hindi nagtitipid sa galak at hiyawan ay nanamlay, naging larawan ng itim at puti, lumamlam ang mga kulay, sinakop nang katahimikan.

            Tahanang pugadlawin ng tuwa’t saya, nakakabinging pakinggan, nakasisiyang pagmasdan.  Naging punlaan ang apat na korner ng aking kwarto, nakuntentong sinisilip ang siwang ng butas sa harang na pader na yero. Walang imik na sinisilip itong pamilyar na pulang ilaw na naglaho sa aking paningin. Naiulat ang pagdami ng mga bilang ng aktibong kaso, sa telebisyon, radyo, mga pahayagan at mga post sa social media. Ito ang pangunahing kinahaharap ng sangkatauhan. Umuusig, nakikipagpatinterong protektahan ang sarili at kanyang kapwa, pamilya’t mga kaibigan sa nararanasang pangkalusugang krisis.

             Sa nagdaang buwan, naging masalimuot ang pakikibaka ng mga ahensya at sektor ng gobyerno sa pagtulong upang supilin ang kinahaharap nating hamon sa pandemya. Naaksyunan ang malawakang pagbabakuna sa mga nagnanais, ngunit patuloy pa rin ang mga agam-agam lulan ng epekto sa kalusugan. Nagkaroon din ng distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) para sa ating mga kababayan, naglipana ang mga tulong o donasyon mapa-lokal at internasyunal para sa mga kagamitan at materyales pangmedikal at mga esensyal na pangangailangan sa tahanan. Nakaraan lamang ay naitampok rin ang boluntaryong pagsasagawa ng mga community pantry sa ilang bahagi ng mga distrito at komunidad.

       Tuluyan naipinta ang nakalipas, nasubok humarap at tanggapin ang pagbabagong galaw ng ekonomiya, mobilidad ng edukasyon, distansyang balakid sa pakikipagkomunikasyon, mahigpit na kawang ng seguridad at iba pa. Humahakbang at nagpapatuloy pa rin sagipin ang pansariling pagkalam ng sikmura, kumakapit sa pising magbibigay ng pag-asang umahon sa kabila ng mga hagunot at dagok sa buhay. Walang tigil ang daing at karamdamang hindi nakikita ngunit paunti-unting tinutuldukan ang karapatang huminga, tinatahak maging kalmadong pakikipagsanduguang mabuhay para sa lupang tinubuan. Namulat ang aking diwa sa araw-araw na pangamba at pagkabalisa, hindi tiyak ang tagal nang oras sa pakikipag-argumento sa sarili. Sabi nila’y mainam na maging kalma at huwag magpatalo sa mga negatibo. Hindi hamak nagtatanong ngunit patuloy naitatanong, kaibigan kumusta ka na?

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

𝓝𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓚𝓪𝓻𝓪𝓷𝓪𝓼𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝔂𝓪

  Salba, Bida!         Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga  pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan. Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan, walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-hadlang. ...

𝒯𝒶𝒶𝓁𝒶𝓇𝒶𝓌𝒶𝓃

  E N T R I  01 Ika-1 ng Mayo, 2021/Sabado                                                                       Magandang umaga!         Maaga akong nagising pagkatapos ay ginawa ang pang-araw araw na ritwal sa umaga. Sa araw na ito ay patuloy sinusubok ang aking isip at kakayahan sa mga bagay. Nariyan ang mga ingay at distraksyon sa paligid habang nagsasagot at nagsasagawa ng ilang aktibidad. Mailap kong binibigyan pansin ito ngunit mayroong pagkakataong hinahamak ako ng aking mga pansariling balakid sa buhay. Gayunpaman ay natutugunan ko naman  ito. Bago pa man tuluyang sakupin ng dilim ang paligid ay sinigurado kong naisumite ang bawat pagsusulit. Ilang sandali lamang ang aking pahinga sapagkat kailangan muli magpatuloy. Hindi dapat natin kalimutan na mahalaga ang hindi...

𝓐𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓫𝓸𝓻𝓲𝓽𝓸 𝓚𝓸𝓷𝓰 𝓖𝓾𝓻𝓸

  “Seksyong Sampaguita” Nagpulasan ang buong seksyon ng sampaguita ng marinig ang malakas na batingaw. Sa koridor pa lamang ay maririnig ang ingay ng mga sapatos,   ang iilan ay pumapanhik at panay ang pagdungaw sa bintana. Ang mga kalalakihan ay nagpapapresko’t isinasaayos ang kwelyo sa kanilang uniporme. Habang ang mga kababaihan ay abala sa pag-susuklay at pagpusod ng mga buhok. Makailang beses na tinitingnan ang mga mukha sa salamin. Isang kamag-aral ko ang nagmamadaling kuhain ang kanyang libro, siya kasi ang naasahan na mag-uulat ng aming magiging paksa. Kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay, tiyak kong kinakabahan siya. Nang bigla ay naramdaman ko ang katahimikan, walang ingay na kumubli sa loob ng silid. Tuwid ang paningin ng bawat isa sa taong nagpapakilala ng kanyang propesyon. Sabay-sabay na tumayo’t bumati para sa itinuturing na Ama ng seksyong Sampaguita. Sa paghakbang niya’y naglikot ang kanyang matang kilatisin ang bawat postura at kolorete sa mukha. ...