Lumaktaw sa pangunahing content

Virgin Pa Ako

 


     Cupido Store

“Cupido, kapeng barako ka ba?”

“Hmm, bakit?”

“Dahil hindi kumpleto ang umaga ko kung wala ka!”

“Mag-aral ka ng mabuti Miss,” dinig kong tugon ng lalaking walang pantaas na suot pagkatapos ibigay ang binili ng isang dalaga. Bigyan ng halaga ang feelings sa tindahan ni Cupido.  Ngunit paano ko bibigyan ng halaga ang feelings kung hindi ko naman maramdaman sa ibang tao?

Nagkagusto ka na ba? Na-in love ka na ba? O hindi kaya’y, nagmahal ka na ba o may minahal ka na ba? Pamilyar ba sa iyo ang linyang ito? Batid kong narinig mo na ito sa isang pelikula ni Kathryn Bernardo.

Ngunit anong feeling?  Masaya’t nakakakilig ba o sabi nila’y bumibilis daw ang tibok ng iyong puso? Cupido, huwag kang manghusga ngunit virgin pa ako sa romantikong relasyon. Marami na akong nabasang pocketbooks, wattpad stories, at romantic novels. Sa mga babasahing katulad nito ito ay pamilyar na ang mga senaryong mangangako ang isang lalaki ng kanyang tapat at wagas na pag-ibig sa nililigawan o isinisinta ngunit pagkaraan lamang ng ilang buwan ay magtatapos rin sa paalam. Maging sa panonood ng mga dekalibreng pelikula ay tampok din ang ganitong eksena pahahabain lamang ang tunggalian sa pagitan ng protaganista at antagonista upang umalab ang emosyon at panggigil ng mga taga-subaybay na manonood.

Sabi pa nga nila mahirap daw ang makatagpo ng happy ending. Kung gagamit ba si Cupido ng pana at panudla upang ipares ang dalawang indibidwal posibilidad kayang road to happy ever after na ang ending? Mainit na usapin para sa mga kabataan ang salitang “forever”. Karamihan ay sumasang-ayon ngunit ang iba’y kasing pait ng ampalaya kung hingan ng reaksyon at komento.

Nang bumili ako sa tindahan ni Cupido ay malakas na kantyawan ang sumalubong sa’kin . Naglalaro sila ng Truth or Dare, popular ang larong ito at bihira lamang ako sumali. Huminto ang bote sa isang babae, kaagad naman siyang itinanong ng kanyang mga kaibigan matapos piliin ang Truth. NBSB ka ba?

Muli, huwag kang manghusga Cupido dahil isang malakas na, Oo! NBSB nga ako.

Kung iyong tatanungin ang dahilan ay hindi naman ako interesado at nagmamadali sa pakikipagrelasyon. May tamang oras at panahon ika-nga’t sabi ni Lola Nidora. Hindi rin ako pabebe tulad ng ilang mapag-imbentaryo ng mga salita. Hindi rin mahinhin at pino ang kilos ko tulad ni Maria Clara.  Marami akong hinahangaan at kakilala, mga malalapit na kaibigan at kaklase ngunit ang relasyong kaya kong ibigay ay tulad ng pagmamahal na mayroon ako sa aking pamilya. Masasabi kong hindi pa ako handa sa responsibilidad, mahaba pa ang panahon at oras na aking gugugulin. Tulad nga ng haba nang pising aking hinihila upang kumapit sa hamon ng kasalukuyang pandemya.

Sa bawat produkto na itinitinda ni Kupido ay itinakda ang halaga ng iba’t ibang presyo. May bukod tangi at nag-iisang aangat kaya’t bilhin man ng iba, ay alam kong may nakalaan pang higit na magbibigay ng kasiyahan sa iyong puso.

Walang halaga ang presyo sa tindahan ni Cupido kung nahanap mo na ang iyong Psyche, dahil hindi nadidiktahan ang anumang materyal na bagay ang kayang ibigay higit pa sa matatamong labeling at benefits ng relasyon, este ng mga produkto.

Paunawa lamang mahal naming konsyumer, dahil sa nararanasang pandemya ay ikinalulungkot na ipasara ang Cupido Store. 

P.S observe social distancing and wear your face mask. 

Notice from the owner, Cupido.

 

 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

𝓝𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓚𝓪𝓻𝓪𝓷𝓪𝓼𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝔂𝓪

  Salba, Bida!         Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga  pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan. Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan, walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-hadlang. ...

𝒯𝒶𝒶𝓁𝒶𝓇𝒶𝓌𝒶𝓃

  E N T R I  01 Ika-1 ng Mayo, 2021/Sabado                                                                       Magandang umaga!         Maaga akong nagising pagkatapos ay ginawa ang pang-araw araw na ritwal sa umaga. Sa araw na ito ay patuloy sinusubok ang aking isip at kakayahan sa mga bagay. Nariyan ang mga ingay at distraksyon sa paligid habang nagsasagot at nagsasagawa ng ilang aktibidad. Mailap kong binibigyan pansin ito ngunit mayroong pagkakataong hinahamak ako ng aking mga pansariling balakid sa buhay. Gayunpaman ay natutugunan ko naman  ito. Bago pa man tuluyang sakupin ng dilim ang paligid ay sinigurado kong naisumite ang bawat pagsusulit. Ilang sandali lamang ang aking pahinga sapagkat kailangan muli magpatuloy. Hindi dapat natin kalimutan na mahalaga ang hindi...

𝓐𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓫𝓸𝓻𝓲𝓽𝓸 𝓚𝓸𝓷𝓰 𝓖𝓾𝓻𝓸

  “Seksyong Sampaguita” Nagpulasan ang buong seksyon ng sampaguita ng marinig ang malakas na batingaw. Sa koridor pa lamang ay maririnig ang ingay ng mga sapatos,   ang iilan ay pumapanhik at panay ang pagdungaw sa bintana. Ang mga kalalakihan ay nagpapapresko’t isinasaayos ang kwelyo sa kanilang uniporme. Habang ang mga kababaihan ay abala sa pag-susuklay at pagpusod ng mga buhok. Makailang beses na tinitingnan ang mga mukha sa salamin. Isang kamag-aral ko ang nagmamadaling kuhain ang kanyang libro, siya kasi ang naasahan na mag-uulat ng aming magiging paksa. Kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay, tiyak kong kinakabahan siya. Nang bigla ay naramdaman ko ang katahimikan, walang ingay na kumubli sa loob ng silid. Tuwid ang paningin ng bawat isa sa taong nagpapakilala ng kanyang propesyon. Sabay-sabay na tumayo’t bumati para sa itinuturing na Ama ng seksyong Sampaguita. Sa paghakbang niya’y naglikot ang kanyang matang kilatisin ang bawat postura at kolorete sa mukha. ...