Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na daily log

π’―π’Άπ’Άπ“π’Άπ“‡π’Άπ“Œπ’Άπ“ƒ

  E N T R I  01 Ika-1 ng Mayo, 2021/Sabado                                                                       Magandang umaga!         Maaga akong nagising pagkatapos ay ginawa ang pang-araw araw na ritwal sa umaga. Sa araw na ito ay patuloy sinusubok ang aking isip at kakayahan sa mga bagay. Nariyan ang mga ingay at distraksyon sa paligid habang nagsasagot at nagsasagawa ng ilang aktibidad. Mailap kong binibigyan pansin ito ngunit mayroong pagkakataong hinahamak ako ng aking mga pansariling balakid sa buhay. Gayunpaman ay natutugunan ko naman  ito. Bago pa man tuluyang sakupin ng dilim ang paligid ay sinigurado kong naisumite ang bawat pagsusulit. Ilang sandali lamang ang aking pahinga sapagkat kailangan muli magpatuloy. Hindi dapat natin kalimutan na mahalaga ang hindi pag-abuso sa katawan. Sa gitna ng pandemya kinakailangan ang lakas at pagiging produktibo nang maging makabuluhan ang bawat araw na dumaraan.  Hangga’t maaari gusto kong iangat ang aking pagiging positibo sa buhay