Lumaktaw sa pangunahing content

Ang Papel ng Panitikan sa Gitna ng Pandemya

 



Pasyon  de Pandemya: Istatus ng Panitikan sa Diskursong Birtwal

         Sa pagdating ng ika-20 siglo ay tuluyang napuspos at hinamon nang kasalukuyang panahon ang panitikan. Ang kontemporaryong pagsasatitik at pagtupad sa lente’t porma ng panitikan ay nagbigay ng kaisipan at ideya upang tawirin nito ang mga dagok na umiiral sa pandemya. Maraming saksi ngunit iilan lamang ang naging bukas ang isip sumunod sa mga palisi at pamantayang turan ng mga pangunahing sektor at ahensya. Ito ang masalimuot na pagkakapantay-pantay, eksklusyong lingap nang kapatiran marahil batid ng nakakarami ngunit natutuop paniwalaan. Nabahiran ng hugas-kamay,  suhestyong pinaniningkitan ng mga mapaglinlang at mapagsamantala sa kapwa.  Kasalukuyang humaharap ang panitikan sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa pagsasalin, napupuna maging ang kontruksiyon ng identidad sa pagitan ng wikang Ingles at Tagalog. Naglipana rin ang maling impormasyon at diskriminasyong handang magbigay ng kalituhan at kaguluhan sa loob at labas ng tahanan.

       Mula sa panayam sa kanya sa programang “Sakto” ng DZMM, nagbigay payo si Professor Danilo Arao, wika niya’y kailangan ng husay sa panunuri ng mga istoryang nababasa’t isini-share ng mga netizen at social media user.

  “Mangilan-ngilang social media user ay titulo lang ang nag-catch sa attention niya, minsan hindi na ibinabasa tapos ishi-share,” paliwanag ni Prof. Arao, guro sa journalism ng UP Diliman.

      Nagkaroon ng hidwaan at mga argumento sa pagitan ng mga napapanahong isyu at usaping may kinalaman sa pagkalat at paglantad ng mga maling impormasyon. Ito’y higit nakikita’t nababasa ng mga mata sa iba’t ibang uri ng platform sa social media. Tampok ang mga kalabisan at hindi lehitimong impormasyon kaugnay ng pagpapaskil ng mga lipon ng mga salitang pinangingimbabawan ng iba’t ibang maaanghang na ideya’t argumento,  madalas pa ay humahantong sa hindi pagkakaunawaan at paglala ng sitwasyon. Halimbawa, ang kontribusyon ng “infodemic” kung saan pinangunahan ng World Health Organization ang pagsasamantala sa hindi malay na kaisipan ng tao sa gitna ng pangkalusugang krisis kaugnay ng pagkalat ng maling impormasyon na nakapagdudulot ng miskonsepsyon, kalituhan at maging sanhi ng kapahamakan.

    Ito ang dulog ng panitikang patuloy hinahamak nang pandemya. Sa bahaging ito, naging pangamba ang kalasag panulat dahil punpon ang pagbabaybay ng mga opinyon at kinalabisang pangangatwiran ng mga pagsasaling-dila.  Naging hamon ang mga suliranin ngunit patuloy iniuusig ng kalidad sa gampaning maiangat ito sa silahis ng hagunot at nagbabadyang pangingikil.

       Kaugnay ng pananaliksik nina Piller, Zhang, at Li (Linguistic Diversity in a Time of Crisis: Language Challenges of the COVID-19 Pandemic) nabanggit ang mga hamong kinahaharap na krisis sa pagitan ng multilingguwal na komunikasyon at ng lipunan sa panahon ng pandemya.

       “Information circulating in traditional and social media emanates from a wide variety of social actors, ranging from media corporations via political parties to large numbers of high diverse community groups and grassroots effort ( Piller, et. al, 2020).”

        Sa nakalipas na taon ay pinagtibay ni Komisyoner Arthur Casanova ang gamit ng wikang Filipino sa kontribusyon nito sa pandemya. Panawagan ng tagapangulo kasabay ng pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa Taong 2020 na bigyan pokus at kredibilidad ang kakayahan ng wikang Filipino at wikang Katutubo sa pantay na pagpapahalaga at pagsasalin upang higit sumabay sa pagbibigay-kaalaman at kamalayan ng bawat indibidwal sa hamon ng pandemya (“ABS-CBN News”, 2020).

       Sa isang pahayag ni Komisyoner Arthur Casanova pinatunayang malaki ang suporta ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagsasalin ng mga batis at impormasyong nakasulat sa wikang Ingles na layong maunawaan at maipabatid sa bawat nangangailangang indibidwal.  Hindi nalimitahan ang kakayahan ng panitikang sumabay sa galaw at ragasa ng napapanahong pangkalusugang krisis bagkus nagkaroon pa ng maraming oras at oportunidad ito upang makapag-ambag sa lipunan. Muling inilalayag ang direksyon patungo sa mga makabuluhang kuwento ng karanasan at katatagan, istorya ng pakikipagbayanihan at pag-asa, idagdag pa ang tindig nang pamamahayag at argumento. Hindi hihinto at mapapagod  ang mga manunulat, mananalumpati’t mananaysay sa paghatid ng mga kaukulang impormasyon na bubusog sa isipan at mag-iiwan ng kakintalan sa damdamin ng mamamayan.

       Sa pantayong pananaw, ang dulog ng panitikan sa gitna ng pandemya ay hindi tipak ng malilit na salita, hindi nagtatapos sa prediskyon at haka-haka, hindi nangungumusta ng mga talata at hindi pinalulutang ang mga titik sa hangin. Hindi layon ang pagiging imperyalismo, walang bakas ng pagiging superyor at diktador. Ito ay higit may laman, may damdamin, may kintal at diskuro. Marahil batid ng karamihan ang posisyon at identidad taliwas sa mga negatibong paglalahad at pagtatasa ng mga sitwasyon.  Ngunit hindi ito nagtatapos lamang sa kayang ilahad, sa gamit ng mga bantas at bernakular, maging sa midyum ng pagsasalin at pagbaybay ng mga salita. Ang mukha ng panitikan ay natatangi at makabuluhan, hindi ito nakikipagpaligsahan upang tingalain at handugan ng mga ritwal at seremonya.  Ito ay madalas sumusubaybay sa pangangailangan ng sitwasyon, nakikiisa’t maaaring bumalikwas, may balanse at angkop na pagtingin sa bawat pahayag ng mga salita.

 

 

Sanggunian

Piller, I., Zhang, J. & Li, J. (2020). Linguistic diversity in a time of crisis: Language challenges of  the COVID-19 pandemic. Multilingua, 39(5), 503-515. https://doi.org/10.1515/multi-2020-0136

Holowack, Kevin.2021. COVID-19: Disinformation and discrimination. Alberta Filipino Journal. https://www.albertafilipinojournal.com/2021/04/16/covid-19-disimpormasyon-adiskriminasyon/

 Contreras, Caitlin D.A., & Domingo, Bea  A. P., .2020, Agosto 5. Buwan ng Wika: Gamitin ang  wikang pambansa sa panahon ng pandemya-KWF. The Varsitarian. https://varsitarian. net/  /filipino/20200805/buwan-ng-wika-gamitin-ang-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-pandemya-kwf 

 ABS-CBN News. 2019, Disyembre 2. Paano masasabing fake news ang nakikita sa social media.https://news-abs--cbn-com.cdn.ampproject.org/v/s/news.abs cbn.com/

Coloma, Angela. 2020, Agosto 21. Paggamit ng Filipino sa pagbibigay-alam sa covid-19 hinimok. Ngayong buwan ng wika. ABS-CBN News.   https://news-abs--cbncom.cdn.ampproject.org/v/s/news.abscbn.com/amp/news/08/01/20/paggamit-ng-filipino-sa-pagbibigay-alam-sa-covid-19-hinimok-ngayong-buwan-ng-wika


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

𝓐𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓹𝓮𝓵 𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓷𝓲𝓽𝓲𝓴𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓖𝓲𝓽𝓷𝓪 𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝔂𝓪

  Pasyon  de Pandemya: Istatus ng Panitikan sa Diskursong Birtwal           Sa pagdating ng ika-20 siglo ay tuluyang napuspos at hinamon nang kasalukuyang panahon ang panitikan. Ang kontemporaryong pagsasatitik at pagtupad sa lente’t porma ng panitikan ay nagbigay ng kaisipan at ideya upang tawirin nito ang mga dagok na umiiral sa pandemya. Maraming saksi ngunit iilan lamang ang naging bukas ang isip sumunod sa mga palisi at pamantayang turan ng mga pangunahing sektor at ahensya. Ito ang masalimuot na pagkakapantay-pantay, eksklusyong lingap nang kapatiran marahil batid ng nakakarami ngunit natutuop paniwalaan. Nabahiran ng hugas-kamay,   suhestyong pinaniningkitan ng mga mapaglinlang at mapagsamantala sa kapwa.   Kasalukuyang humaharap ang panitikan sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa pagsasalin, napupuna maging ang kontruksiyon ng identidad sa pagitan ng wikang Ingles at Tagalog. Naglipana rin ang maling impormasyon at diskriminasyong handang magbigay ng kalituhan at kaguluhan

𝓝𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓚𝓪𝓻𝓪𝓷𝓪𝓼𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝔂𝓪

  Salba, Bida!         Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga  pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan. Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan, walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-hadlang.      Ngunit sa rurok, sa rimarim nang higlikas ak

𝓥𝓲𝓻𝓰𝓲𝓷 𝓟𝓪 𝓐𝓴𝓸

                                                    Cupido Store “Cupido, kapeng barako ka ba?” “Hmm, bakit?” “Dahil hindi kumpleto ang umaga ko kung wala ka!” “Mag-aral ka ng mabuti Miss,” dinig kong tugon ng lalaking walang pantaas na suot pagkatapos ibigay ang binili ng isang dalaga. Bigyan ng halaga ang feelings sa tindahan ni Kupido.   Ngunit paano ko bibigyan ng halaga ang feelings kung hindi ko naman maramdaman sa ibang tao? Nagkagusto ka na ba? Na-in love ka na ba? O hindi kaya’y, nagmahal ka na ba o may minahal ka na ba? Pamilyar ba sa iyo ang linyang ito? Batid kong narinig mo na ito sa isang pelikula ni Kathryn Bernardo? Ngunit anong feeling?   Masaya’t nakakakilig ba o sabi nila’y bumibilis daw ang tibok ng iyong puso? Cupido, huwag kang manghusga ngunit virgin pa ako sa romantikong relasyon. Marami na akong nabasang pocketbooks, wattpad stories, at romantic novels. Sa mga babasahing katulad nito ito ay pamilyar na ang mga senaryong mangangako ang isang lalaki