Cupido Store
“Cupido,
kapeng barako ka ba?”
“Hmm,
bakit?”
“Dahil
hindi kumpleto ang umaga ko kung wala ka!”
“Mag-aral
ka ng mabuti Miss,” dinig kong tugon ng lalaking walang pantaas na suot
pagkatapos ibigay ang binili ng isang dalaga. Bigyan ng halaga ang feelings sa tindahan ni Kupido. Ngunit paano ko bibigyan ng halaga ang feelings kung hindi ko naman maramdaman sa
ibang tao?
Nagkagusto
ka na ba? Na-in love ka na ba? O hindi kaya’y, nagmahal ka na ba o may minahal
ka na ba? Pamilyar ba sa iyo ang linyang ito? Batid kong narinig mo na ito sa
isang pelikula ni Kathryn Bernardo?
Ngunit
anong feeling? Masaya’t nakakakilig ba o
sabi nila’y bumibilis daw ang tibok ng iyong puso? Cupido, huwag kang manghusga
ngunit virgin pa ako sa romantikong relasyon. Marami na akong nabasang
pocketbooks, wattpad stories, at romantic novels. Sa mga babasahing katulad
nito ito ay pamilyar na ang mga senaryong mangangako ang isang lalaki ng
kanyang tapat at wagas na pag-ibig sa nililigawan o isinisinta ngunit pagkaraan
lamang ng ilang buwan ay magtatapos rin sa paalam. Maging sa panonood ng mga
dekalibreng pelikula ay tampok din ang ganitong eksena pahahabain lamang ang tunggalian
sa pagitan ng protaganista at antagonista upang umalab ang emosyon at panggigil
ng mga taga-subaybay na manonood.
Sabi
pa nga nila mahirap daw ang makatagpo ng happy
ending. Kung gagamit ba si Cupido ng pana at panudla upang ipares ang
dalawang indibidwal posibilidad kayang road to happy ever after na ang ending? Mainit
na usapin para sa mga kabataan ang salitang
“forever”. Karamihan ay sumasang-ayon ngunit ang iba’y kasing pait ng
ampalaya kung hingan ng reaksyon at komento.
Nang
bumili ako sa tindahan ni Cupido ay malakas na kantyawan ang sumalubong sa’kin
. Naglalaro sila ng Truth or Dare,
popular ang larong ito at bihira lamang ako sumali. Huminto ang bote sa isang
babae, kaagad naman siyang itinanong ng kanyang mga kaibigan matapos piliin ang
Truth. NBSB ka ba?
Muli,
huwag kang manghusga Cupido dahil isang malakas na, Oo! NBSB nga ako.
Kung
iyong tatanungin ang dahilan ay hindi naman ako interesado at nagmamadali sa
pakikipagrelasyon. May tamang oras at panahon ika-nga’t sabi ni Lola Nidora.
Hindi rin ako pabebe tulad ng ilang mapag-imbentaryo ng mga salita. Hindi rin
mahinhin at pino ang kilos ko tulad ni Maria Clara. Marami akong hinahangaan at kakilala, mga
malalapit na kaibigan at kaklase ngunit ang relasyong kaya kong ibigay ay tulad
ng pagmamahal na mayroon ako sa aking pamilya. Masasabi kong hindi pa ako handa
sa responsibilidad, mahaba pa ang panahon at oras na aking gugugulin. Tulad nga
ng haba nang pising aking hinihila upang kumapit sa hamon ng kasalukuyang
pandemya.
Sa
bawat produkto na itinitinda ni Kupido ay itinakda ang halaga ng iba’t ibang
presyo. May bukod tangi at nag-iisang aangat kaya’t bilhin man ng iba, ay alam
kong may nakalaan pang higit na magbibigay ng kasiyahan sa iyong puso.
Walang
halaga ang presyo sa tindahan ni Cupido kung nahanap mo na ang iyong Psyche,
dahil hindi nadidiktahan ang anumang materyal na bagay ang kayang ibigay higit
pa sa matatamong labeling at benefits ng relasyon, este ng mga
produkto.
Paunawa
lamang mahal naming konsyumer, dahil sa nararanasang pandemya ay ikinalulungkot
na ipasara ang Cupido Store. P.S observe
social distancing and wear your face mask. Notice from the owner, Cupido.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento