Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na kabanata 20

𝓒π“ͺ𝓻𝓲𝓡𝓲𝓷𝓰 𝓛𝓲𝓴𝓱π“ͺ𝓷𝓰 𝓣π“ͺ𝓡π“ͺ𝓢𝓫𝓾𝓱π“ͺ𝔂

  Kabanata 20    Sa simula, sa blangkong pahina kung saan walang huhusga. Dalisay ang panlabas na anyo kung kaya’t  kumpulan ito ng pagkilala’t pagpupuri. Marubdob ang pagmamahal niya sa aklat. Maingat niyang pinipili ang mga karakter na gaganap sa istorya.  Ang pagsusulat ang kanyang kalakasan. Malawak ang imahinasyon niyang bumuo ng sariling mundo. Ito’y paspasan lamang ng mahika at salamangka. Ito ay salamin nang pantasya’t hiwaga. Ang istoryang hindi nagsimula sa wansapantaym ngunit malayang ikinulong ang sarili sa mga kathang-isip. Narinig mo na ba ang kuwento sa kabanata 20?   Mensaheng sipi sa Prologo, “ ikinalunod ko ang buhay, ikanalulugod kong mabuhay .”  Sa unang entri, sa panimulang bilang na pahina ay ikinagalak kong basahin ang pagluwal ng isang anghel. Kupas na ang litrato ngunit tiyak na ito’y larawan ng sanggol na mahimbing na natutulog. Walang paglalagyan nang galak sa dibdib ng ipakilala siya bilang pangunahing karakter sa istorya.      Lumipas ang apat na taon, mula